‘Mayor’ ng Valenzuela, kinukuwestiyon ng mga residente

TINATAWARAN UMANO NG mga taga-Valenzuela City ang kakayahan ni P/Sr. Supt. Winben Mayor, bagong hirang na chief of police, dahil wala umano itong kakayahan para sugpuin ang mga naglipanang sugal at mga beerhouse na prente ng putahan sa nasabing lungsod.

Ayon sa mga residente, si Mayor at ang pinalitan nito na si Sr. Supt Erick Reyes ay magkatulad umano ang kulay ng balat na parehong “matikas sa tongpat”.

Tulad umano ni Reyes si Mayor, na laging umanong natutulog sa kanyang malamig na tanggapan at walang ginawa para masugpo ang iba’t ibang uri ng sugal, gayundin ang mga may putahang beerhouse.

Sinabi naman ng ilang police insider ng nasabing himpilan ng pulisya, ilang araw pa lamang nanunungkulan si Mayor bilang bagong hepe ng kapulisan ay ipinatawag na nito umano ang “bagman” na siyang kumukulekta ng “intelihensiya” mula sa mga iligal na operasyon.

“Tinitiyak namin na hindi makagagawa ng aksiyon ang bagong hepe laban sa mga iligalista, dahil nagbibigay ang mga ito ng malaking halaga ng intelihensiya,” wika pa ng mga police insider.

Dahil dito, inaasahan na ng mga residente na hindi bubuti, bagkus ay lalo pang uunlad ang operasyon ng mga iligalista na siyang dahilan ng kriminalidad.

Napag-alamang si Reyes ay sinibak bilang hepe ng Valenzuela City police dahil umano walang ginawa sa ikasusugpo ng mga illegal vices, at ang ipinalit ay si Mayor.

(ROMAN MAGPOC)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.