‘MAY PABAON AKO!’ – AFP Chief of Staff Gen. David

INAMIN NI AFP Chief of Staff, Gen. Ricardo David na may pabaon siya sa kanyang pagreretiro sa Marso 8, ika-56 taon niyang kaarawan at mandatory age retirement ng bawat sundalo.

Sa isang panayam sa pang-umagang programa sa radio noong Linggo, nilinaw ni David na ang “pabaon” na kanyang inamin ay “retirement pay” at sinabing malaking halaga para sa kanya ito dahil kakayanin niyang magpagawa ng maliit na bahay at bumili ng isang sasakyan.

Gayunman, itinanggi ni David ang isa pang kahulugan ng “pabaon” o malaking halaga na ibinibigay sa mga nagretirong heneral dahil hindi pa naman aniya ito napatutunayan.

Paliwanag ni David, lahat naman ng mga sundalo at iba pang kawani ng pamahalaan ay may “pabaon” at ito ay nasa anyo ng “retirement pay” o iba pang benepisyo.

Samantala, ipinagmalaki ni David na sa kanyang pagreretiro ay may legacy siya sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas gaya ng Internal Security and Security Plan (ISPS), pagkintal sa mga sundalo para yakapin ang adbokasiya ng Karapatang Pantao, magkaroon ng kapayapaan sa loob ng tropa at kalaban ng estado, pagpapaabot ng adhikain sa lipunan at ma-improve ang imahe ng AFP, at higit sa lahat ay hindi maging violator ng Karapatang Pantao dahil sa kabi-kabila nilang seminars at trainings.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.