‘Kaibigan’ ni Arnell Ignacio, kasabwat sa extortion

PINAGDUDUDAHAN NI TV host Arnell Ignacio ang isa sa kanyang “associate” na kasabwat ng tatlong tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) na nangotong sa kanya makaraang akusahang  carnapped/smuggled ang kanyang Porsche car.

Sa pagharap ni Ignacio sa media sa tanggapan ni HPG Director Leonardo Espina sa Camp Crame kahapon, inamin nito na nagtataka siya sa isang kakilala na si Lulu Parawan, kung bakit inuusisa siya kung magkano ang ibinigay na pera kina PO3 Jose Llagas, PO3 Noel Pono at PO1 Joel Lasala.

Nilinaw naman ni Ignacio na hindi closed friend si Parawan kundi isang kakilala na nakatutulong sa kanya para makahingi ng mga discount sa hotels.

Lumakas ang hinala ni Ignacio na may kinalaman si Parawan sa pangongotong sa kanya nang maalalang minsan nitong naikuwento na may boyfriend ito na dating alagad ng HPG.

Aniya, bilang isang “kakilala” lamang, hindi normal kay Parawan na maging interesado sa kanyang sinapit partikular kung magkanong halaga ang kanyang ibinigay sa tatlong HPG members.

Magugunitang hinarang nina Pono, Llagas at Lasala si Ignacio habang lulan ng kanyang luxury car Porsche 996 na tumatahak sa C-5 sa panulukan ng Julia Vargas sa Pasig City.

Ito ay nang paghinalaan ng tatlong pulis na carnap o smuggled ang kanyang sasakyan kaya’t hinanap ang mga papeles nito.

Subalit sa halip na pag-aksayahang beripikahin ang mga papeles ng sasakyan ay sumama ang mga pulis sa bahay ng host at hiningan ito ng P50,000.

Ang tatlong pulis ay sinuspinde at posibleng masampahan ng kasong administratibo o criminal.     (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.