‘Di tulad ng isa pang talent: Kawalan ng regular na show Ang dahilan ng pag-alis ng singer-actress sa network!

MATATAWAG NA FORTHCOMING ang noon pa ma’y napapabalitang pag-alis ng sikat na singer-actress mula sa isang TV network, as we have heard about it more than a hundred times equivalent to her weight.

Isa kasi sa mga ipinagsisintir ng personalidad na ito ang aniya’y kawalan niya ng regular na programa sa istasyon, comparing herself to an equally popular network talent. Base na rin sa mga ibinigay na show sa aktres na ito ay ang mga panandaliang programa in recent memory:  isang singing search at isang franchise show, both seasonal.

Samantalang ang kapwa niya network talent din naman seems to enjoy more exposure than her, bagay na matagal na niyang inirereklamo. Worse, the “deprived” actress felt there had been an “underground handiwork” within the TV station allegedly perpetrated by her fellow talent para ito ang mas bigyan ng trabaho kesa sa kanya.

In that case, mas matalim ba ang sandatang kris sa me ganitong sitwasyon?

(By Ronnie Carrasco III)

Previous articleMabahong airport
Next articleMabait at magaling na comedian, pa-mhin ang itinatagong karelasyon?!

No posts to display