‘Di pa man umaamin Kris Bernal at Jay Perillo, break na!

MALUNGKOT NA sinabi ni Kris Bernal sa mga press people na dumalo sa presscon ng Ang Panday 2 ng Imus Productions at GMA Films, na break na raw sila ng singer na si Jay Perillo.

Maraming manunulat ang nagulat sa rebelasyon ni Kris, dahil ni minsan ay hindi inamin ng mga ito na nagkaroon sila ng relasyon ng mang-aawit. Nga-yon lang, nitong umabot nang mahigit isang taon ang kanilang relasyon.

Dagdag pa ni Kris na dalawa silang nagdesisyon na maghiwalay na at mag-focus muna sa kani-kaniyang career.
“Gusto ko pang mag-grow ang career ko. Basta gusto ko talagang mag-concentrate sa trabaho. Tutal bata pa naman ako. Sa ngayon ay wala na talaga kaming communication and almost one week na kaming hiwalay.”

Aminado si Kris na dinamdam niya ang paghihiwalay nila, pero kailangan daw nila itong gawin alang-alang sa kanilang career. Tsika nga nito na hindi niya naiwasang maiyak dahil matagal-tagal din naman silang nagsama.

AYAW MAGSALITA o magbigay ng latest update si Sen. Bong Revilla kaugnay sa kaso ng pagkamatay ng kanyang half-brother na si Ramgen Revilla. Mas gusto na lang daw nitong manahimik at pag-usapan ang kanyang pelikulang Panday 2 na entry sa MMFF 2011. 

“We have to move on, tama na ‘yun. Alam ninyo, maraming pagsubok na dumarating sa buhay natin, but, ‘yun nga, pasalamat na lang tayo sa Panginoon. Kung anuman ang mga pagsu-bok na darating, eh, lalagpas din ‘yan. At kung anumang sugat, gagaling din ‘yan. Ang importante, malapit na ang Pasko, maging masaya tayong lahat.”

At kahit nga may problemang kinahaharap ang kanyang pamilya ay tuluy-tuloy pa rin ang buhay nito sa showbiz industry.

“Itong industriya natin, dito ako nagmula. Ito ang nagdala sa akin kung nasaan man ako ngayon. Hindi natin puwedeng pabayaan ito ngayon. Kaya, kahit na may nakatarak pa na punyal sa aking dibdib, bubunutin ni Panday ‘yan para lang mapaligaya kayong lahat,” pagtatapos ni Sen. Bong.

 

ANG ISA sa TV5 Princess na si Alex Gonzaga ang pinakabagong mukha ng YSA soap ang sabong pampaputi at pampaganda ng kutis. Ayon nga sa owner nitong si Sir Robert, perfect celebrity endorser si Alex na bukod sa maganda ay may makinis at maputing kutis.

Tsika nga ni Alex na simula ng ginamit niya ang YSA Soap ay marami na ang nakapansin ng pag ganda at pag puti ng kanyang balat. Kaya naman daw marami siyang mga kaibigang sa loob at labas ng industriya ang gumagamit nito.

At kahit nga raw ang ka-loveteam nito sa PS I Love You na si Kean Cipriano ay gumagamit na rin daw ng YSA Papaya soap, dahil hindi lang naman daw ito ginawa para sa katulad niyang babae, dahil maging lalaki ay puwedeng gumamit nito. Kaya naman daw kung mapapansin si Kean ngayon ay pumuputi na ito.

 

NAIS KONG pasalamatan ang ABS-CBN para sa kanilang bonggang-bongang Christmas party para sa mga press, kung saan nagkaroon ito ng kauna-unahang My Girl 2011 Press edition. Ang inyong lingkod ang nagwagi bilang My Girl 2011 representing Police Files Tonite. Habang 1st Runner-Up si Alex Brosas ng Bandera at 2nd Runner-Up naman si Rodel Fernando ng Moviestar Magazine.

Naging hurado sina Miss Universe 3rd Runner-Up Shamsey Supsup, Isabella Manjon (Bb. Pilipinas-Tourism) at Diane Necio (Bb. Pilipinas-International).

Sobrang saya ng mga kapatid sa panulat sa dahil sa dami ng perang ipina-raffle ng ABS-CBN. Bukod pa sa mga magagandang games na sinalihan ng mga working press. Again, maraming-maraming salamat po!

John’s Point
by John Fontanilla

8 thoughts on “‘Di pa man umaamin Kris Bernal at Jay Perillo, break na!

  1. Im sorry pero ung  mga kapuso kilala nyo mga artista ng Dos..aminin nyo..hahahhaa

    Supporter siguro ng mga wa name na artista ung dalawang ang ‘tatalino’ kung maka-react

    HAHAHAHA!!!!

  2. @Gandara Park wrote on 5 December, 2011, 17:22″Sino nman itong Kris Bernal at Jay Perillo????
    artista ba yan?”

    KOREK! The who ang mga itetch? Was knowing ko rin. Next issue na nga.

  3. mga siraulo pala tong nagtatanong kung sino daw si kris bernal, pero binabasa nila yung article nya huh? basta lang makapagcomment lang!! mga siraulo talaga yung mga ibang supporters ng DOS! tsk! tsk! tsk!!!!!

  4. KA BOBOBO NITONG MGA TO O SADYANG NAGPAPAPANSIN LANG, MAKACOMMENT LANG. NATURALMENTE, KUNG HINDI KAYO NANONOOD SA GMA AT NAKANGUDNGOD LANG KAYO SA DOS 24/7, MALAMANG HINDI NYO TALAGA SILA KILALA. IN THE SAME WAY NA HINDI RIN KILALA NG MGA KAPUSO ANG IBANG ARTISTS NG DOS. MGA TONTA!!!!!

  5. Buti umamin din un nga lang break na raw agad hahahah…buti nlng at d xa umamin dahil buntis na!