‘Di maayos ang naging hiwalayan Jake Cuenca at Melissa Ricks, todo-dedma sa isa’t isa!

MALUNGKOT TALAGA ANG nangyayari sa situwasyon ngayon nina Melissa Ricks at Jake Cuenca pagkatapos ng kanilang paghihiwalay. Kasi nga, para na silang langis at tubig na hindi na pupuwedeng pagsamahin. Kung ‘yung ibang magkaka-sintahan na nagkahiwalay ay nagwi-wish na kung hindi na sila pupuwedeng magkabalikan ay maging parang magkaibigan na lang na ang respeto’y hindi nawawala, sila Melissa at Jake ay kakaiba, dahil kapag nagpang-abot sila sa iisang lugar at umpukan ng mga kaibigan nilang mga artista, nagdededmahan sila na parang hindi kilala ang isa’t isa.

Hindi naman nagbabago ang ugali ni Jake. Cool lang naman siya kapag siya na ang umiiwas at nakikiusap sa press na huwag na lang siyang tanungin tungkol kay Melissa. Pero kapag magkalapit na sila ni Melissa ay gumaganti talaga siya ng pandededma. Pero talagang hindi nawawala ang pagdududa, na sa hiwalayang naganap sa kanilang dalawa, parang ang guwapong aktor ang may kakaibang ginawa, na hanggang ngayon ay hindi pa rin mapatawad ng tisay na young actress.

Kasi’y mabait namang tao si Melissa, na consistent talaga ang ugali. Pero nag-iiba ang timpla ng kanyang mood kapag mayroong nag-a-attempt na magtanong sa kanya tungkol kay Jake. Mara-ming tao sa showbiz ang aliw sa cute na ugali ni Melissa, pero talagang nakikiusap siya lagi na huwag na lang itanong sa kanya si Jake. May malalim daw marahil talagang pinanggalingan ang mga rason ng pagtanggi ngayon ng dalaga na maungkat pa ang dating relasyon nila ni Jake.

 

BUMUBUTI NA TALAGA ang kundisyon ng kalusugan ng Co-medy King na si Mang Dolphy, at ito ngayon ang ipinagsasaya niya at ipinagmamalaki rin ng kanyang karelasyong si Zsa Zsa Padilla. Ang singer-actress naman kasi ang unang nahihirapan ang kalooban kapag nasa malubhang kundisyon ang karamdaman ng sikat na komedyante. Maganda ang takbo ng career ng mommy ni Karylle, at   wala  na    rin siya   halos   pahi-nga. Pero apektado rin ang kanyang pagtatrabaho kapag alam niyang kailangang nasa tabi siya ni Tito Dolphy.

Ang pagbuti ng kundisyon ng health ni Mang Dolphy ay kasunod siyempre ng paglaya ni Zsa Zsa sa unang kasal niya sa daddy ni Karylle na si Dr. Modesto Tatlonghari, na siyempre pa’y matagal ding hinintay ng Comedy King. Ke makasal o hindi ang magkarelasyon ay marami na rin sa mga nagmamahal nilang kakilala ang kampante sa kanilang katuwaan, na talagang sina Mang Dolphy at Zsa Zsa na talaga ang natakda para sa isa’t isa. Nagtagal kasi talaga ang kanilang relasyon, at magmula nang magmahalan sila, hindi na na-link pa ang hari ng komedya sa ibang magaganda at seksing mga babae sa showbiz.

Nakita ni Mang Dolphy ang katapatan at mga sakripisyo ni Zsa Zsa habang nagtatagal ang kani-lang relasyon. Hindi biro ‘yung dinanas ni Zsa Zsa mula sa pagdududa ng maraming tao, kung tunay ba ang pagmamahal niya sa kome-dyante, samantalang napakalaki ng agwat ng kanilang edad? Napag-isipan din noon na dahil mayaman si Mang Dolphy, baka iyon ang habol sa kanya ng singer-actress. Pero sa tagal ng kanilang relasyon, at alam naman nilang malakas ding kumita si Zsa-Zsa ng sarili niyang pera, sumuko na rin ang mga nagdududa tungkol sa katapatan ng kanyang pagmamahal kay Mang Dolphy. Bagkus, nakuha ni Zsa Zsa ang respeto ng maraming tao, na siya na nga ang babaing para sa dati’y babaerong hari ng komedya.

Wala nang dapat pang patunayan sa showbiz ang Comedy King. Sa katunayan, wala na sa kanyang sistema ang kumpetisyon. Nagbibi-gay-daan siya at marunong huma-nga sa mga baguhang komedyante na alam niyang puwedeng sumunod sa kanyang yapak. Taun-taon ang mga prediksiyon na may isang bete-ranong papanaw na, at hindi man tukuyin ay laging nangangahulugan na iyon ay si Mang Dolphy. Kaya nga nagbibiro lagi siya: “Ewan ko ba kung bakit nila ako minamadali at laging pinapangunahan! He-he-he!” Dahil patuloy pa naman natin siyang nakakasama at nakapagbibigay ng saya sa showbiz.

Happy birthday po, Mang Dolphy!

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

7 thoughts on “‘Di maayos ang naging hiwalayan Jake Cuenca at Melissa Ricks, todo-dedma sa isa’t isa!

  1. nalunkot aq dun sa show sa tv5 for dolphy para sa birthday celebration niya..para naman kasing tribute, pero nung nagkaron ng avp para sa mga naging movies and tv series nya..talagang nakakaantig ng damdamin..kainis lang dahil si willie kasama niya sa stage…eew!

  2. misskosiShebie-hatekosiRuel..haba ng name mu hehehhe..yah korak ka dyan..move on na Mel dyos mi..bata kapa and madaming fish sa ocean hahahahaha!!!!

  3. Another thing, napanood ko sa you tube ang wedding ni Roxanne Guinoo at Elton Yap. Ang ganda. Elton is much younger than Roxanne, nabuntisan at nanganak si Roxanne before they got married, pero pinatutuhanan ni Elton. Parang princesa si Roxanne. Ang ganda ng wedding gown at ang church and wedding reception, classy. Masuwerte si Roxanne. Sana Melissa, gayahin mo si Roxanne. Nakawala kay Jake Cuenca. There is not one iota of a gentleman blood in this Cuenca guy. Mabuti pa si Elton, di hamak na bata kay Jake pero mas maginoo. Suwerte ni Roxanne. ang ipinalit niya kay Jake, may kaya, may pinagaralan, may sariling hanapbuhay at may magandand estado na sa buhay maski batang bata pa. JAKE CUENCA CAN PICK UP SOME POINTERS FROM ELTON. PANSIN KO LANG, KAMUKHANG KAMUKIHA NI SANDY ANDOLONG SI ROXANNE GUINOO. PUWEDE SILANG MOTHER/DAUGHTER TEAM SA ISANG TELESERYE.

  4. Move on ka na Melissa. Jake Cuenca is the male equivalent of TRASH. You deserve better. Nambubugbog ng GF iyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.