‘Di katulad ng mga kasabayang artista Liz Alindogan, ‘di natutong mag-droga kaya hindi napurdoy

MASAYA SI LIZ Alindogan dahil kahit wala na siya sa showbiz, hindi siya tulad ng ibang kasabayan niyang nag-artista na ngayon ay purdoy pa sa daga.

“Nagkataon lang na nakaba-ngon ako. Dumating din ‘yung time na naghirap ako dahil nag-produce ako ng pelikula, pero hindi naipalabas at milyon ang halaga nu’n na hanggang ngayon ang film ay na-bubulok na,” pahayag ni Liz sa Pinoy Parazzi.

Sinabi ni Liz na halos maloka siya nang mapurdoy ang perang inipon niya sa pag-aartista. “Ibinuhos kong lahat ang mga naipon ko sa movie na iyon, kaya talagang bagsak na bagsak ako nu’n at nagkautang-utang. Buti na lang at mabait ang asawa ko, hindi niya ako pinabayaan at nakaahon ako sa kahirapan.”

Bukod sa real estate, nagpo-produce din siya ng mga concert na siyang pinagkukunan niya ng sariling kita. “Kumikita naman ang husband ko at nakapag-aral nang lahat ang mga anak namin, maging ‘yung dalawang anak namin ni Jess Lapid, tapos na rin. Kaya masaya ako sa takbo ng aking buhay at wala na akong mahihiling pa.”

Inamin ni Liz na ang isa sa mga dahilan kung bakit kahit nalugi siya ng milyon sa prinodyus na mo-vie ay nakaahon siya, hindi kasi siya nag-drugs. “Marami rin ang nag-alok sa akin nu’n, pero ayoko dahil alam kong makakasira ito sa aking isipan at katawan.”

Inamin ni Liz na ang asawa niyang si Ben Kho at si Jess Lapid ay magkaibigan. “Mas maganda ang relasyon namin ngayon ni Jess, kesa noong kami pa. Kasi ngayon, talagang magkaibigan kami at kaibigan din niya ang husband ko.”

 

BLIND ITEM: NAKAKALOKA naman ang isang kilalang TV host/actor dahil sa loob ng kanyang kuwarto ay naroon ang malaking larawan ng isang sumisikat na bagets na matagal nang iniisyu sa kanya.

Bulong ng mga mahaderang kapitbahay ni TV host/actor, ito raw bagets actor na may maamong mukha ay laging nasa bahay nito.

“Dati si “I” ang laging nariyan, pero ngayon si “J” na,” sabi ng aming kausap habang panay ang tawa nang makahulugan.

Sa totoo lang, nagtataka rin kami. Parang gusto naming maniwala sa tsismis na si TV host/actor at si bagets actor ay may relasyon. Dahil kung wala, bakit ang larawan ni bagets ay nasa kuwarto ni TV host? Kung wala silang relasyon, hindi ito bibigyan nang ganu’ng importansiya ni TV host/actor, ‘di ba?

Kilala n’yo kung sino ang tinutukoy namin, dahil ang dalawang bida ang TV host na laging napapanood, habang si bagets ay kasama sa isang soap opera. Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

One thought on “‘Di katulad ng mga kasabayang artista Liz Alindogan, ‘di natutong mag-droga kaya hindi napurdoy

Leave a Reply

Your email address will not be published.